Nagsampa ng reklamong obstruction of justice sa Department of Justice ang mga pamilya ng mga nawawalang sabungero laban sa abogado ng negosyanteng si Atong Ang.
Ayon kay Charlene Lasco, kapatid ng nawawalang sabungero na si Ricardo Lasco, isinampa nila ang reklamo laban kay Atty. Caroline Cruz at ilang pang indibidwal dahil umano sa pag-aalok ng pera sa ilang pamilya kapalit ng hindi pagdalo sa mga pagdinig ng kaso.
Nasa 20 pamilya na umano ang tumanggap sa alok at hindi na dumalo sa mga pagdinig.
Binabayaran umano ang naturang mga pamilya mula P20,000 hanggang P40,000 kada buwan.
Saad pa ni Lasco, iyon ang dahilan kung bakit kumonti na sila kumpara noon.
“Napansin n’yo naman na kami noong araw ay marami. Ngayon, lilima na lang po kami,” aniya.
“‘Yung mga kasamahan namin ay nandoon na sa kabilang panig at tumatanggap ng pera para lamang hindi um-attend sa aming mga kaso,” dagdag pa niya.
May arrest warrant nang inilabas laban kay Ang at iba pang akusado kaugnay ng kasong kidnapping with homicide at serious illegal detention sa pagkawala ng mga sabungero.
Mariin nang itinanggi ni Ang ang mga paratang laban sa kanya.
Trending
- Michelle, nawiwindang sa Ms U!
- Pagpapalabas ng ‘Love, NGO,’ pinayagan na ng MTRCB
- Regine, sumailalim sa voice treatment
- Cargo firm kinasuhan sa 36K inabandonang balikbayan box
- Gawad Kalinga founder Tony Meloto inaresto sa Bulacan
- SPED program ng DepEd hihimayin sa Kamara
- NBI pinag-aaralan pag-subpoena sa misis ni Bato
- Pamilya ng missing sabungeros, nagsampa ng obstruction of justice vs abogado ni Atong Ang

