Naghahanda na ang House prosecution team laban sa posibleng pagdami ng fake news at misinformation kaugnay ng inaabangang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, kabilang sa pinakamalaking hamon ng prosecution team ang pagkontra sa maling impormasyon habang papalapit ang paglilitis.
Sinabi ni Adiong na isa sa dahilan kung bakit siya itinalagang spokesperson ay upang matiyak na tama at napapanahong impormasyon ang naipararating sa publiko.
“That’s one of the reasons why nagtalaga ng spokesperson – para ma-counter ‘yong mga naratibong hindi tama,” ani Adiong.
“Ang pinaka-purpose ng House prosecution team is to provide clarity to the public, and the way to do that is to combat the rising of fake news,” dagdag niya.
Ayon pa sa mambabatas, magsasagawa umano sila ng regular briefings oras na magsimula ang impeachment trial.
Hinimok din niya ang publiko na bantayang mabuti ang magiging takbo ng paglilitis.
“We are urging everyone to actively monitor the impeachment trial. Ito ay sagradong duty hindi lang ng House at Senate. Pinag-uusapan natin dito ‘yong accountability mechanism ng Konstitusyon,” aniya.
Nauna nang nag-convene ang Senado bilang impeachment court at naglabas na rin ng writ of summons para sa kampo ng prosecution at ni Duterte.
Sa ngayon, hinihintay na lamang umano ng House prosecution team ang komento ng defense panel sa articles of impeachment na nakatakdang isumite sa Hunyo 1.
Ayon kay Adiong, inaasahan nilang susunod na rito ang pre-trial kung saan ilalatag ang ground rules, pagmamarka ng ebidensya at pagtukoy sa mga testigo ng magkabilang panig.
“That would actually give us an idea how the flow of the impeachment trial would go,” ani Adiong.
Trending
- PNP: Proteksyon sa pamilya ng missing sabungeros, paiigtingin
- Karagdagang 20 GW target ng DOE para maabot 2040 renewables goal
- DOH nilinaw, wala pang kaso ng Ebola sa bansa
- Hirit na P200 dagdag-sahod sa NCR, ‘di luho
- Pagtigil sa pagpapatupad ng bagong SHS curriculum, hiling ng mga guro sa SC
- Mga sundalo karapat-dapat sa mas maayos na access sa healthcare services
- House prosecution naghahanda na vs fake news
- Pinas, maaari nang mag-angkat ng Belgian poultry

