Pinadapa ng Oklahoma City Thunder ang San Antonio Spurs, 123-108, sa Game 3 ng Western Conference Finals upang makuha ang 2-1 lead sa best-of-seven series.
Nagpakitang-gilas si Shai Gilgeous-Alexander na may 26 puntos at 12 assists, habang nagtala ng bagong franchise postseason record ang Thunder bench na may 76 puntos kumpara sa 23 ng Spurs.
Malaking kontribusyon din ang ibinigay ni Jared McCain na may 24 puntos at ni Jaylin Williams na may 18 puntos kabilang ang limang three-pointers.
Bagama’t nagtala ng 26 puntos si Victor Wembanyama para sa Spurs, hindi niya naulit ang kanyang rebounding dominance matapos makuha lamang ang apat na rebounds.
Nagsimula ang Spurs nang mainit sa 15-0 run, ngunit agad nakabawi ang Thunder at tuluyang lumamang sa ikatlong quarter.
Nagkaroon ng tensyon sa ikatlong yugto nang ma-foul ni Ajay Mitchell si Stephon Castle, na nauwi sa flagrant-1 foul at technical fouls laban kina Mitchell at Devin Vassell.
Gaganapin ang Game 4 sa San Antonio ngayong Mayo 25, kung saan may pagkakataon ang Thunder na palakasin pa ang kanilang tsansa sa pagpasok sa NBA Finals.
Trending
- PNP: Proteksyon sa pamilya ng missing sabungeros, paiigtingin
- Karagdagang 20 GW target ng DOE para maabot 2040 renewables goal
- DOH nilinaw, wala pang kaso ng Ebola sa bansa
- Hirit na P200 dagdag-sahod sa NCR, ‘di luho
- Pagtigil sa pagpapatupad ng bagong SHS curriculum, hiling ng mga guro sa SC
- Mga sundalo karapat-dapat sa mas maayos na access sa healthcare services
- House prosecution naghahanda na vs fake news
- Pinas, maaari nang mag-angkat ng Belgian poultry

