Todo-recover ngayon si Ai Ai delas Alas matapos magkaroon ng problema sa kanyang bones at muscles dahil sa matinding training.
Sa mga videos na ibinahagi ng Comedy Queen sa Instagram, makikita ang kanyang pagpapagamot at physical therapy na tinatawag na “shock wave” treatment.
Kuwento ni Ai Ai, tila “buhol-buhol” na raw ang kanyang muscles na inihalintulad pa niya sa sotanghon.
“Yung muscles ko buhol buhol na para syang sotanghon,” natatawa niyang sey.
Ayon pa sa aktres-komedyana, kailangan muna niyang ipaayos at ipa-overhaul ang kanyang katawan bago tuluyang makabalik sa training.
Na-miss na rin daw niya ang pagpapahirap sa sarili sa workout pero pansamantala muna siyang pinagbabawalang mag-training habang sumasailalim sa therapy.
Ibinahagi rin ni Ai Ai na pagkatapos ng treatment ay lalagyan pa umano ng lubricant ang kanyang knees para mas maging maayos ang kondisyon nito.
Excited naman siyang makabalik sa paghahanda para sa Hyrox Rome.
“Fresh knee, fresh dreams, and a whole lot of HYROX Rome prep,” sey pa niya.
Noon ding nakaraang linggo ay naikuwento na ni Ai Ai ang tungkol sa kanyang left knee problem na nakuha raw niya sa sobrang intense na Hyrox training.
Nagulat pa nga siya nang malaman na hindi pantay ang haba ng kanyang mga paa dahilan kung bakit kaliwang bahagi ng katawan niya ang madalas sumasakit.
Sa kabila nito, maraming fans ang nagpaabot ng dasal at suporta para agad na gumaling ang Comedy Queen.
Trending
- PNP: Proteksyon sa pamilya ng missing sabungeros, paiigtingin
- Karagdagang 20 GW target ng DOE para maabot 2040 renewables goal
- DOH nilinaw, wala pang kaso ng Ebola sa bansa
- Hirit na P200 dagdag-sahod sa NCR, ‘di luho
- Pagtigil sa pagpapatupad ng bagong SHS curriculum, hiling ng mga guro sa SC
- Mga sundalo karapat-dapat sa mas maayos na access sa healthcare services
- House prosecution naghahanda na vs fake news
- Pinas, maaari nang mag-angkat ng Belgian poultry

