Inamin ni Senador Ping Lacson na dumating sa puntong naisip niyang magbitiw bilang senador dahil sa patuloy umanong paglala ng imahe at kredibilidad ng Senado sa mata ng publiko.
Ssinabi ni Lacson na nabahala siya sa sunod-sunod na kontrobersiya at negatibong pananaw ng publiko sa institusyon.
Kabilang dito ang umano’y anomalya sa 2025 General Appropriations Act, pagkakadawit ng ilang senador sa iba’t ibang isyu, at mga kasong kinakaharap ng ilang miyembro nito.
Gayundin ang nangyaring insidente ng pamamaril sa gusali ng Senado, kung saan inilarawan niya itong “That’s the lowest depth the Senate has sunk. I don’t see it sinking any lower.”
Dahil sa mga kontrobersiya, inihayag ni Lacson na kaya minsan ay kinuwestiyon niya ang kahalagahan ng pananatili sa kanyang posisyon.
“There were times I thought of resigning. What are we staying for when the Senate’s image is being muddied? Where is our redeeming value?” ani Lacson.
Gayunman, pinigilan naman umano siya ni Senador Tito Sotto III na ituloy ang plano niyang pagbibitiw.
Ayon pa kay Lacson, kailangang magsagawa ng pagninilay ang mga senador upang maibalik ang integridad ng Senado at nananatili ang kanyang pag-asa na maibalik ang tiwala ng publiko.
Kasabay nito ang pahayag ng kanyang suporta kay Senador Win Gatchalian mula sa minority bloc bilang susunod na Senate President.

Share.