Tiniyak ng Department of Health (DOH) Bureau of Quarantine na doble ang paghihigpit nito sa mga border at health surveillance sa lahat ng paliparan at pantalan sa buong bansa.
Ito ay bilang bahagi ng paghahanda at pag-iingat upang hindi makapasok sa Pilipinas ang Ebola virus na dulot ng Bundibugyo strain.
Ayon sa DOH, dapat ay maging alerto at handa ang bansa matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) na isang Public Health Emergency of International Concern ang Ebola disease dahil sa mga naitalang kaso sa Democratic Republic of Congo at Uganda.
Sinabi naman ng DOH na sa ngayon ay malinaw na walang kaso ng Ebola disease sa Pilipinas.
Kabilang sa mga sintomas ng Ebola ay lagnat, panghihina, pananakit ng katawan, sakit ng ulo, pagsusuka, pananakit ng lalamunan, at pagdudumi.
Ayon sa DOH, kumakalat ang Ebola disease o maaaring makahawa ang taong may taglay nito o namatay sa pamamagitan ng direct contact sa dugo o paghawak ng iba pang kagamitan.

Share.