Inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang magbibigay ng libreng professional at civil service examinations para sa mga kwalipikadong mahihirap at miyembro ng indigenous peoples (IP) at cultural communities.
Naipasa ang House Bill No. 8869 o “Free Professional Examinations Act” sa botong 266 pabor, walang tutol, at isang abstention.
Layunin ng panukala na alisin ang hadlang sa pagkuha ng lisensya at government eligibility sa pamamagitan ng pagbibigay ng exemption sa examination fees na ipinapataw ng Professional Regulation Commission (PRC) at Civil Service Commission (CSC).
Ayon sa panukala, ang mga indigent applicants ay kailangang magpakita ng Certificate of Indigency mula sa kanilang barangay o local social welfare office. Ang mga IP naman ay kailangang magpakita ng certification mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).
Sakop ng benepisyo ang bayad sa written examinations, ngunit hindi kabilang ang practical exams at iba pang karagdagang fees kung mayroon.
Inaatasan din ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), PRC, CSC, at NCIP na magsagawa ng information campaigns upang maipaalam ang programa sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Ayon kay House Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, layunin ng panukala na bigyan ng pantay na oportunidad ang mga Pilipinong may talento ngunit kapos sa pera.
“Kapag nabigyan natin ng pagkakataon ang mas maraming Pilipino na maging propesyonal, mas marami rin tayong pamilyang matutulungan makaahon sa hirap,” aniya.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay

