Nasawi ang 62-anyos na senior citizen nang gulpihin ng anim na lalaki sa Bongabon, Nueva Ecija.
Sa ulat, lumabas sa imbestigasyon na bumaba ng tricycle sa harap ng kaniyang bahay ang lalaki.
Kalaunan, pinalo siya sa likod ng isa sa mga salarin.
Hinabol ng biktima ang namalo sa kaniya nguni’t sumunod na ang iba pang mga salarin at ginulpi na ito.
Nahinto lamang ang pambubugbog nang pumagitna ang mga kaanak ng biktima.
Dinala sa ospital ang lalaki pero idineklarang dead on arrival.
Ayon sa asawa ng biktima, dati nang nakaaliitan ng mister ang isa sa mga nambugbog sa kaniya.
Nahuli ang anim na lalaki na sangkot sa pagpatay sa senior citizen.
Tumanggi ang mga salarin na magbigay ng pahayag.

Share.