Sugatan ang dalawang katao nang sumabog ang LPG dahil sa gas leak sa Sta. Cruz, Maynila.
Kapwa nagtamo ng minor burn injuries sina Raquel Bayate, 57-anyos; at kapitbahay na si Evageline Fernandez, 74-anyos, na kapwa residente ng Barangay 352.
Sa ulat ng Manila Police District-Police Station 3, magluluto umano si Fernandez kaya binuksan nito ang kanilang gas stove nang biglang magliyab at sumabog.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang pagsabog ay sanhi ng gas leak o sumingaw na gas mula sa hose na konektado sa LPG tank at gas stove, dahilan para masabugan si Fernandez at magtamo ng mga lapnos sa halos buong katawan.
Naapektuhan din sa pagsabog si Bayate na nakaupo lamang sa harapan ng bahay ni Fernandez.
Agad namang humingi ng tulong sa mga awtoridad ang iba pang kapitbahay ng mga biktima upang agad silang madala sa ospital at magamot.
Trending
- Comelec nagsimula na sa disposal ng ‘di nagamit na balota sa BARMM poll
- ‘Pinas magbubukas ng mga embahada, konsulada sa ibang mga bansa
- P2.6m ismagel yosi nasamsam sa Cotabato
- Bea, suot pa rin ang singsing
- Joshua, asiwa sa love scenes
- Rico Blanco, spotted, may kasamang ‘mystery girl’
- Dating teammate ni Wade sinuntok sa Greek League Finals
- Ateneo umatras sa Filoil EcoOil Preseason Cup

