Naniniwala si Mariel Padilla na hindi pa tapos ang serbisyo publiko ng kanyang asawang si Senador Robin Padilla.
Sa bagong episode ng podcast ni Senadora Imee Marcos na “Imee&You” nitong Sabado, tinalakay ang naunang pahayag ni Padilla tungkol sa posibilidad na hindi na ito tatakbo sa 2028 elections.
“Nag-panic ako no’n. Nagsabi kasi siya, hindi na siya tatakbo ng 2028. Sabi ko, ‘hoy! Ikaw ang pambato namin, ano ka ba?’” ani Marcos.
Binanggit din ng senadora ang naging pahayag noon ni Mariel na tila hindi “deserve” ng publiko ang kanyang mister.
Ayon kay Mariel, ang tinutukoy niya ay ang mga taong bumabatikos at nagsasalita ng masama laban sa senador.
“When I said that they don’t deserve him, I’m talking about those who say bad things about him. They do not deserve him. But there are so many people—the Muslims, the indigenous groups—ang daming people na umaasa sa kanya. Kawawa talaga sila,” ani Mariel.
“When you ask me if I want him to continue, yes. For me, hindi pa po tapos. For me, marami pang hindi natutuunan ng pansin,” dagdag pa niya.

Share.