Hinikayat ni Anne Curtis ang publiko na magparehistro kung hindi pa rehistrado para makaboto.
Sa kanyang Facebook page, ini-repost ni Anne ang paalala para sa pagpaparehistro na hanggang Mayo 18 na lamang.
Nakasaad dito na: We deserve better. Magparehistro ka.
Sa post ng aktres, nagmensahe naman ito sa kanyang 19 milyong followers na, “Hanggang May 18 na lang po, please po if hindi pa, magparehistro!!!”
Isa si Anne sa mga sikat na celebrities na nagiging bokal sa mga nangyayari sa bansa.
Sa gitna ng kaguluhan sa Senado, nauna nitong i-pinost ang mensaheng “I guess all we can do as citizens and voters is watch, learn, take note and continue to pray for our country.”

Share.