Sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) na magkaiba ang teaser video na umano’y ipinadala sa kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng alegasyon ng extortion kumpara sa buong ulat na inilabas online ng Peanut Gallery Media Network (PGMN).
Nauna nang naglagak ng piyansa noong weekend sina PGMN founder Franco Mabanta at apat pang kasama. Noong Linggo ng gabi, inilabas ng grupo ang kanilang full episode na pinamagatang “The Mastermind,” na inilarawan nilang “exposé” laban kay Romualdez. Kaugnay ito ng umano’y ₱300-milyong extortion complaint laban kay Mabanta.
Ayon sa PGMN anchor na si CJ Hirro, may mga tagubilin sa kanilang team kung ano ang gagawin sakaling may mangyari kina Mabanta o sa sinuman sa kanilang grupo, kabilang ang pagtiyak na maipalalabas ang kanilang episode. Iginiit din ni Hirro na kumilos umano si Romualdez laban sa kanilang produksyon.
“Days ago, our team was given clear instructions on what we are to do in case anything happens to Franco Mabanta or anyone in our team. I did not know what that was about, but the instructions to me were these: Secure your family and protect the truth; Make sure this episode gets out there still,” ani Hirro.
“Simply finding out that I was working on an episode about him was enough to get Martin Romualdez to mobilize his whole machinery to try to take down those who hold the truth about him,” dagdag niya.
“And now we see in full display the extent of power he holds with all the money he has and the lengths he would go to wield that power,” aniya pa.
Gayunman, sinabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na magkaiba ang tatlong minutong teaser na ipinadala sa kampo ni Romualdez kumpara sa halos dalawang oras na video na inilabas online. Tinitingnan ng mga imbestigador kung ang teaser ay sadyang ginawa para sa extortion.
“Ito ‘yung 90 minutes, ito yung 3 minutes na pinadala to extort money kina Speaker. (While showing the screenshots of the videos) That is something that we have to develop. Pwede ngang interpretasyon dito, nag-prepare talaga sila ng 3 minutes to extort. Mas mahihirapan sila rito kasi lalabas dito, pinlano nila eh,” ani Matibag.
Nag-isyu ng subpoena ang NBI kay Hirro noong Lunes, ngunit ang kanyang abogado na si Atty. Lian Cacapit lamang ang humarap, at sinabing nasa biyahe si Hirro.
“Hindi siya nagtatago. Wala siyang dapat ikatago. Kaya nga ako niya pinapunta dito para i-represent siya in good faith siya na pumunta dito sa NBI,” ayon kay Cacapit.
“May second pa kami ulit meeting with the NBI so kakausapin ko muna ‘yung kliyente ko. Magpapadala daw sila ulit ng another document sa address ng binigay ko sa kanila,” dagdag niya.
Nakatakdang humarap si Hirro sa NBI sa Mayo 22.
Samantala, naghain ng cyberlibel complaint si dating kongresista Marvin Rillo laban kay Hirro dahil sa umano’y paninirang-puri.
“If you could clearly remember during my elections, that they were the ones si CJ Hirro ang number one na bumabanat sa akin with baseless evidence. Pero ngayon, it’s time for me to speak and to fight. ,” ani Rillo.
Ayon sa NBI, “a lot to explain” si Hirro dahil lumalabas siya sa teaser at full episode. Dagdag pa ng mga awtoridad, nakatanggap sila ng maraming ulat mula sa mga nagsasabing nabiktima rin sila ng grupo ni Mabanta.
Trending
- NU men winalis ang FEU
- Alex Eala umangat pa ang ranking sa WTA
- SPD: Higit 300 pulis ipinakalat sa paligid ng Senado
- 35 barko ng China na-monitor sa West Philippine Sea
- P20m floating cocaine, nalambat sa Palawan
- 18 ‘ex-marines’ humirit sa counter-affidavits
- Teaser video ng PGMN na ipinadala kay Romualdez, iba sa inilabas na ‘expose’
- Supporters ni Dela Rosa sa labas ng Senado, sinita

