Magsisimula na ang paniningil ng toll sa Cavitex C5 Link-Segment 3B ngayong Sabado, Mayo 9, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).
Sa advisory nitong Biyernes, sinabi ng TRB na opisyal nang ipatutupad ang updated toll rate matrix ng Cavitex C5 Link Expressway kabilang ang Segment 3B.
Nauna nang ipinagpaliban ang toll collection matapos sabihin ng Philippine Reclamation Authority (PRA) noong Mayo 4 na hindi muna ito itutuloy dahil sa umiiral na fuel crisis at national energy emergency.
Ang toll collection ay hawak ng PRA sa pamamagitan ng subsidiary nitong PEA Tollway Corporation (PEATC).
Ayon sa TRB, ito ang magiging toll rates mula Dr. A. Santos Avenue (Sucat, ParaƱaque) papuntang Taguig (C5) at pabalik:
P59 para sa class 1 vehicles
P117 para sa class 2
P176 para sa class 3
Samantala, mula Taguig papuntang Roxas Boulevard o Zapote:
P97 para sa class 1 vehicles
P194 para sa class 2
P291 para sa class 3
Ang anim na lane at dalawang kilometrong connector road ay inaasahang magpapabilis ng biyahe mula ParaƱaque hanggang Taguig mula 1.5 oras pababa sa humigit-kumulang 15 minuto.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

