Nabiktima ng panibagong ‘QR Code scam’ o ‘QR Code phishing’ ang may-ari ng ilang tindahan sa Cavite.
Sa ulat, nawalan ng mahigit P23,000 mula sa kanilang e-wallet ang mga may-ari ng tindahan nang magpa-cash in ang isang indibidwal gamit ang QR code.
Nakita sa CCTV footage ang isa umanong lalaki na nagpa-cash in ng P220 sa isang tindahan sa Imus, Cavite.
Sa kabila nito ay sinabi ng lalaki na hindi niya natanggap ang pera at humiling na i-rescan ulit ang bagong QR code.
Agad namang umalis ng establisyimento ang lalaki at mga kasama nito.
Nang tingnan ng may-ari ng tindahan ang e-wallet ay naka-link na ito sa isang online shopping app at ang mga bayad na natatanggap nila sa kanilang e-wallet ay ginagamit na ng iba.
Nagawang makakulimbat ng mahigit P23,000 ang mga suspek sa anim na transaksyon gamit ang e-wallet ng mga may-ari.
Nagsampa na ng reklamo ang mga may-ari ng tindahan laban sa suspek.
Ang QR Code scam o QR code phishing ay ginagawa umano gamit ang QR Code para i-re direct o dalhin ng mga scammer ang biktima sa pekeng website o system na kayang makapag-access ng personal na impormasyon.
Trending
- PWD bugbog-sarado sa pang-ha-harass ng Grade 3 stude
- 3 Tsekwa, arestado sa toxic chemicals at hazardous wastes sa Caloocan
- Babaeng pasahero nahulog sa dagat sa Batangas
- Fusion Alley sa Maynila inireklamo sa baho, ingay at kalat
- LTO team leader sa viral Cainta roadside ops, sinuspinde
- Misis hiniya at sinasaktan ni mister habang naka-video
- P85 wage increase purdoy
- Utak sa pagpatay sa vlogger sa Caloocan, tukoy na

