Matagumpay na naitanim ng civil society coalition na Atin Ito nitong Linggo, Mayo 3, ang watawat ng Pilipinas sa Pagasa Cay 2 (Sandy Cay) sa West Philippine Sea sa ikaapat na civilian mission sa kabila ng matinding presensya ng mga barko ng China.
Sa pangunguna ni Akbayan Representative Dadah Kiram Ismula, umalis ang mission crew sa Pagasa Island bandang 5:40 ng umaga na isang hakbang upang manindigan sa nagpapatuloy na agresyon ng China sa West Philippine Sea.
“Matagumpay po nating naitaas ang ating bandila sa Pag-asa Cay 2 sa kabila ng mabigat na presensiya ng Tsina,” ani Ismula.
“This is a defiant but peaceful act of resistance against China’s aggression within our waters. Our message is clear: the West Philippine Sea is ours. No amount of intimidation can erase that fact,” dagdag pa niya.
Matatagpuan sa territorial waters ng Pilipinas, ang Pagasa Cay 2 ay extension ng Pagasa Island
na nagiging maritime flashpoint sa pagitan ng Philippine at Chinese Coast Guards.

Share.