Kinondena ng Office of the Ombudsman ang umano’y ilegal na pagkalat online ng mga pangalan ng kanilang mga imbestigador, at sinabing makikipag-ugnayan sila sa mga awtoridad para tukuyin ang nasa likod nito at magsampa ng kaso.
Ayon sa ahensya, ang paglalantad ng mga identidad ay malinaw na tangkang pananakot at naglalagay sa panganib sa seguridad ng mga kawani ng gobyerno.
“The Office of the Ombudsman strongly condemns the malicious online disclosure of our investigators’ identities. This unauthorized leak is a blatant attempt to intimidate public servants and directly jeopardizes their personal safety,” ayon sa pahayag.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Ombudsman sa National Bureau of Investigation at Philippine National Police Anti-Cybercrime Group para matukoy ang mga responsable.
Maaaring maharap sa kaso sa ilalim ng Data Privacy Act at Cybercrime Prevention Act ang nasa likod ng paglabas ng impormasyon.
Nagbigay din ng pahayag ang Ombudsman tungkol sa ilang reklamo laban sa matataas na opisyal, na anila ay bahagi ng mas malawak na “legal strategy” at hindi hiwalay na hakbang lamang.
Ayon sa kanila, ang ilang kaso ay nauna lamang sa pag-usad ng proseso kaya agad itong nakarating sa korte.
“This specific complaint reached the courts first due to its position in our investigative pipeline, but it is merely a preliminary component of a broader, multi-stage legal strategy,” ayon sa ahensya.
Giit pa ng Ombudsman, layunin ng mga paunang hakbang ang protektahan ang interes ng estado at maiwasan ang posibleng paglipat ng mga asset o pagtakbo ng mga suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Nilinaw din nila na hindi nila trabaho na ipagtanggol ang mga inirereklamo.
“It is not the duty of this Office to ‘lawyer’ for the respondents,” ayon sa pahayag.
Trending
- Zaldy Co wala na sa kustodiya ng Czech authorities – DOJ
- Paglabas ng pagkakakilanlan ng mga imbestigador, kinondena ng Ombudsman
- Lacson: Mga senador dapat manatiling neutral sa posibleng impeachment trial
- Meralco, binanatan sa gitna ng krisis sa enerhiya
- 2026 barangay, SK polls pinauusog ni Sen. Imee sa Oktubre 2027
- Gamit na mantika, maaaring gamitin sa paggawa ng biodiesel
- Trump ‘di masaya sa peace plan na inihain ng Iran
- Luistro: Impeachment lusot sa Bank Secrecy Law

