Nadakip ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na isa sa mga most wanted sa Surigao del Norte.
Nahuli ang akusado na si alyas “Ric”, residente ng Brgy. Bad-as, Placer, sa isinagawang manhunt operation ng mga operatiba ng CIDG Surigao del Norte Field Unit
Ayon sa CIDG, ang suspek ay may kinahaharap na warrants of arrest para sa kasong kidnapping at pamamaslang na inisyu noong 2020 at 2021.
Itinuturo rin siyang team leader ng Guerilla Front 16 ng CPP-NPA at kabilang sa mga most wanted sa rehiyon.
Batay sa imbestigasyon, kabilang umano ang akusado sa mga dumukot sa tatlong estudyante noong 2020 sa Bacuag at sangkot din sa pananambang na ikinasawi ng isang lalaki noong 2021 sa Placer.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang akusado para sa kaukulang disposisyon.
Trending
- Bossing, ka-collab ni Vice sa MMFF 26
- Kobe, tinawag na ‘tita’ si Marian
- Best friends can also “betray” you
- Foreign riders nangibabaw sa Stage 1 ng Tour of Luzon
- ICC magdaraos ng status conference sa Mayo 27
- Pagpapatuloy ng power spot market ops ipinag-utos
- Mas matibay na bilateral relations sa Oman isusulong
- Kitty : ‘Di magnanakaw ate ko

