Narekober ng mga rescuer sa isang retrieval operation ang isang “reticulated python” o sawang aabot sa higit siyam na talampakan ang haba sa Barangay Lipata, Buenavista, Marinduque noong Sabado, Abril 25.
Base sa ulat ng wildlife veterinarian na si Dr. JM Victoria, isa umanong concerned citizen ang nagpadala ng impormasyon sa Team Leader ng Provet–Marinduque Animal and Wildlife Rescue Emergency Response Team, na naging dahilan upang marekober ang sawang aabot sa 292.5 sentimetro ang haba.
Batay pa rito, kapansin-pansin ang malaking tiyan ng sawa, na sanhi umano ng paglantak nito sa isang alagang baboy na may timbang na aabot sa humigit-kumulang 25 kilo.
Tila ang nahuling sawa na rin daw ang itinuturong suspek sa pagkawala ng iba pang mga hayop sa lugar tulad ng baboy at kambing.
Nasa ligtas nang enclosure na ang nahuling sawa upang mabantayan at maobserbahan.
Pinag-aaralan na rin ang tamang hakbangin upang maibalik ang sawa sa habitat nito.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

