Nakumpiska ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency 9 ang abot sa P20.4 million na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Cabatangan sa Zamboanga City nitong hapon ng Biyernes, April 24.
Mismong ang regional director ng PDEA 9, si Bryan Babang, at ang tanggapan ni Zamboanga City Mayor Khymer Adan Olaso ang nagkumpirma nitong Sabado ng pagkasamsam ng tatlong kilong shabu sa dalawang dealers na nalambat sa naturang anti-narcotics operation.
Hindi na pumalag pa ang mga suspects ng arestuhin ng magkasanib na mga PDEA 9 agents at mga pulis mula sa iba’t-ibang units ng Police Regional Office 9 na kanilang nabentahan ng shabu sa gilid ng Bypass Road sa Barangay Cabatangan.
Nakumpiska sa naturang entrapment operation ang tatlong kilong shabu, nagkakahalaga ng P20.4 million, na siyang gagamiting ebidensya sa pagsampa laban sa dalawang suspects ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Trending
- Pulis-Maynila kinastigo, nananakot
- Gadgets sa barangay hall ninakaw, 4 kawatan arestado
- Paslit minolestiya, tambay dinampot
- Bangkay sa toilet , suspek timbog
- May-ari ng pet crematorium sumuko sa NBI
- Emergency room sa Ospital ng Maynila umapaw
- Misis pinagtataga ng bading, naospital
- WCM Nicolas nahasa nang todo sa Czech Republic

