Inintriga na naman ng ilang netizens ang rumored couple na sina Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala dahil naispatan ulit umano ang dalawa sa aiport.
Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Sabado, Abril 18, may lumitaw umanong bagong video kung saan makikita sina Kathryn at Mark sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para lumabas ng bansa.
Ngunit batay umano sa source ng Cabinet Files ng PEP, lumang video na umano ang naturang video na ibinahagi ng isang netizen sa X noong Abril 16.
Huling linggo pa umano ng Marso nang lumipat papuntang Thailand at Bhutan sina Kathryn at Mark.
Matatandaang kamakailan lang ay kumalat ang kanilang video at screenshot photos ng “holding hands while walking” sa isang mall sa Thailand.
Sey ng mga netizen, parang papunta na nga raw sa “hard launch” ang estado ng relasyon ng dalawa, dahil talagang kitang-kitang magkahawak pa ang kanilang mga kamay sa public place.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Kathryn ang serye ng mga video clip na kuha mula sa Bhutan na suspetsa ng ilan ay kasama si Mark.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

