Patay ang isang pitong taong gulang na bata nang paluin ng kahoy na “dos por dos” sa bayan ng Baliguian, Zamboanga del Norte noong Abril 8, 2026.
Kinilala ang biktima na si Tamtam Alegase. Ayon sa ulat, pumasok umano ang bata sa isang compound upang kumuha ng mangga.
Subali’t sa halip na pagsabihan, pinaghahampas umano ito ng salarin gamit ang kahoy nang maabutan sa loob ng nasabing lugar.
Dahil sa tindi ng tinamong pinsala, agad na nasawi ang biktima.
Sa isinagawang imbestigasyon, iginiit ng suspek na layunin lamang nitong magbigay ng leksyon o babala sa sinumang papasok sa kanyang ari-arian.
Gayunman, umani ng matinding galit mula sa komunidad ang insidente, at nananawagan ang mga residente ng agarang hustisya para sa bata.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa kaso.
Trending
- Ex-OFW sa GenSan, paldo ng P97.9-M lotto jackpot
- ‘Killer’ sa gold medalist ng SEA Games noong 2025, arestado
- DILG sa mga tauhan: Pagtanggap ng regalo, solicitation bawal
- P416M tax evasion cases vs POGO-linked firms
- Mosyon ni Estrada para sa piyansa, ibinasura
- Misis ni Doc Willie Ong may cancer din
- PULIS DUTY SONA NABUNDOL PATAY
- Frozen foods kinumpiska

