Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) na posibleng pumalo sa mahigit P500 kada kilo ang presyo ng karneng baboy dahil sa krisis sa petrolyo dahil sa tensyon sa Middle East.
Sa report, sinabi ng DA na ang presyo ng baboy ay posibleng tumaas ng 60%, habang ang presyo ng bigas ay maaaring tumaas ng 50% kung lalala pa ang tensyon.
Batay sa datos, ang presyo ng pork liempo sa mga pamilihan ay nasa P400 kada kilo habang ang iba pang pork cuts ay mula P320 hanggang P340 kada kilo.
Ayon kay Rosendo So ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), ang pagtataas sa presyo ng bigas ay posibleng mas mataas kaysa sa inaasahan.
“Ang presyo ng palay ngayon is P28. Ang dapat na lalabas sa miller is P46. Delivered sa retailer, sabihin natin up to retail, dapat P52 to P54 sa retail price ng bigas. Tayo nasa harvest timing,” ani So.
Idinagdag pa niya na ang farmgate price sa karneng baboy ay nasa P185-P190 kada kilo o retail price naman na nasa P340 hanggang P350.
Sinabi naman ng SINAG na malabong maabot ng bansa ang worst-case scenario dahil inaasahan na mapapababa na ng suspensyon ng excise tax ang presyo ng produktong petrolyo.
Sang-ayon naman ang National Price Coordinating Council sa rekomendasyon ng DA na limitahan ang presyo ng bigas sa P50 kada kilo.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

