Hindi na sasampa ng barko ang isang seafarer at tuluyan na niyang makakasama ang kaniyang pamilya matapos manalo ng P45 milyon sa Grand Lotto 6/55.
Sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Martes, Marso 24, 10 taon na tumataya ang lucky winner ng Grand Lotto 6/55, na binola noong Marso 9.
Nahulaan ng bagong milyonaryo, ang winning numbers na 38-32-08-20-19-09 na may tumataginting na premyong P45 milyon.
Nang kubrahin ang premyo, sinabi ng lalaking winner na ilang taon na siya nagtatrabaho bilang isang seafarer at tinitiis ang mga hamon ng pagigng malayo sa pamilya.
Dahil sa napanalunang P45 milyon, napagdesisyunan niyang hindi na sumampa sa barko. Katunayan, pipirma na dapat siya ng panibagong kontrata.
Plano naman niyang gamitin ang pera sa pagbabayad ng utang at magsimula ng negosyo kasama ang pamilya sa Negros Occidental
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

