Sumasabay na ang pagtaas ng presyo ng abono sa oil price increase kaya lalong nalulubog sa kahirapan ang mga magsasaka sa bansa dahil sa hindi maawat na paglaki ng kanilang gastos sa pagsasaka.
Ito ang nabatid kay Cathy Estavillo, secretary general ng Amihan at spokesman ng Bantay Bigas kaya kahit apektado ng giyera ang pagtaas ng presyo ng langis ay ibinaling ng mga ito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang sisi dahil wala umano itong malinaw na solusyon sa problema.
Sa kasalukuyan aniya, umaabot na sa P2,300–P2,400 kada bag ang Urea mula sa P1,600–P1,700 noong katapusan ng Pebrero o katumbas ng hanggang 44% na pagtaas habang ang Triple 14 ay tumaas na sa P1,900 mula sa dating P1,600 hanggang P1,700 at may posibilidad na madagdagan pa aniya ang presyo ng mga ito.
Dahil dito, dumoble na aniya ang gastos sa abono sa bawat ektarya kung dati ay gumagastos ng P6,400 para sa apat na bag ng Urea sa bawat ektarya noong Pebrero ay umaabot na ito ngayon sa P9,200.
Nangyayari aniya ito dahil sa kakulangan ng suporta ng gobyerno sa sektor ng pagsasaka kaya maraming magsasaka ang umutang sa mas mataas na interes na sinamantala ng mga usisero sa mga kanayunan na lalong nagpapalubog sa mga ito sa utang.
Sa kabila nito, patuloy naman aniyang pinapabora ng pangulo ang mga private traders at mga dayuhang negosyante sa pagmamanipula at pagtatakda ng presyo ng abono at iba pang kailangan ng mga magsasaka.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

