KAPWA lalaro sa Olympics ang magkapatid na sina Carlos at Karl Eldrew Yulo, at ang paghahanda para rito ay masigasig nang isinasagawa.
Target nila ang 2028 Los Angeles Olympics, at mukhang matutupad ang pangarap na magkaroon ng dalawang Yulo sa entablado ng mundo.
Si Carlos Yulo ang beteranong kampeon.
Matapos ang dalawang gintong medalya sa Paris (vault at floor), balik-training na si Carlos para sa LA 2028.
Kasama niya sa training ang kapatid na si Eldrew sa GAP Training Center sa Intramuros.
“Posible po… sobrang saya po noon… dalawa kaming magrerepresent ng Philippines, “wika ni Carlos.
Ang nakatanaw ang lahat kay Eldrew Yulo na itinuturing na papasibol na bagong bituin.
Sa edad na 17, si Eldrew ay nagsasanay sa Japan sa ilalim ng Coach Munehiro Kugimiya — ang parehong coach ni Carlos.
Inihahanda siya para sa 2025 Junior World Championships sa Pasay ngayong Nobyembre — huling junior event bago siya tumuntong sa senior level.
Tulad ni Carlos noon, Olympic Solidarity scholar rin si Eldrew ng IOC.
Ayon kay GAP President Cynthia Carrion: “For sure we’ll have two Yulos!”
Binubuo na ang men’s team sa paligid nina Carlos at Eldrew, posibleng kasama sina Jake Jarman (UK bronze medalist) at Miguel Besana.
Target nilang mag-qualify sa all-around events, bilang magkapatid na atleta.
Trending
- Alex Eala wagi sa unang round ng Abu Dhabi Open
- Ekonomiya ng Pilipinas sumadsad
- Goitia: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng Batas
- Bagyong Ada, no classes today
- Bagyong Ada, no classes today
- Kris nag-kritikal : Lungs pumalya
- Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika
- Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

