Umamin na si Frankie Pangilinan tungkol sa namamagitan sa kanila ni Daniel Santamaria Laurel.
Ang confession na ito ay sa vlog interview ni Ogie Diaz.
Nakangiting inamin ng anak nina Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan that Dan is her boyfriend.
Si Dan ay second cousin ng singer-actress na si Denise Laurel at ng socialite na si Tessa Prieto.
Matatandaang pinag-usapan ang kanilang beach getaway photos noong April 9.
First kasing naisapubliko ang kanilang pagsasama–kung saan sweet sila sa isa’t isa.
Nasundan ito ng mga random photos as posted by Frankie noong April 20.
May 5 when Frankie posted their photo as she greeted Dan on his birthday.
This time, magkahawak-kamay sila sa seashore.
Sa panayam ni Ogie, inamin ni Frankie na dumating si Dan sa buhay niya when she was ready to get into a relationship.
After all, naka-graduate na siya ng college last year.
Tsika pa ni Frankie, her parents are happy for her: “Excited po sila. Si mom, sobrang natuwa!”
=====
Trending
- Pulis-Maynila kinastigo, nananakot
- Gadgets sa barangay hall ninakaw, 4 kawatan arestado
- Paslit minolestiya, tambay dinampot
- Bangkay sa toilet , suspek timbog
- May-ari ng pet crematorium sumuko sa NBI
- Emergency room sa Ospital ng Maynila umapaw
- Misis pinagtataga ng bading, naospital
- WCM Nicolas nahasa nang todo sa Czech Republic

