Natupok ng apoy ang isang pampasaherong bus habang nakaparada sa terminal nito sa Roxas, Oriental Mindoro nitong Linggo ng umaga
Sa video na nakunan ng residenteng si Tintin Sanchez, makikita ang Gold Star Bus na pinapatakbo ng Ceres na nilamon ng apoy sa terminal sa Barangay Bagumbayan.
Ayon kay SFO3 Querube Peradilla, officer-in-charge ng Roxas Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog 8:14 ng umaga at naapula 8:30 ng umaga.
Kararating lang ng bus galing Maynila, at nakababa na ang lahat ng pasahero nang magsimula ang sunog.
Ayon kay Peradilla, batay sa inisyal na imbestigasyon, maaaring nagsimula ang sunog sa mga kable ng aircon ng bus.
Walang naiulat na nasugatan.
Trending
- Catindig, Manalac sumungkit ng unang medalya ng PH sa Asian Games
- Shure Summit 2026 na “From Meeting Rooms to Center Stage”
- Frankie, umamin na sa relasyon
- Alex Eala, spotted sa NY fashion week; Heart, kinabog
- CinePanalo Film Festival entries, inihayag na
- Driver sugatan sa nahulog na sasakyan sa bangin
- 3 katao arestado sa pagbabanta sa online
- Truck bumaliktad sa kurbada: 7 sugatan

