Wala na nga raw sa “It’s Showtime” sina MC Calaquian at Lassy Marquez matapos mapansin ng loyal viewers ang matagal nang pagkawala ng dalawang komedyante sa noontime show.
Maging si Vice Ganda ay nagbiro tungkol sa pagkawala ng dalawa nang magkaroon ng attendance roll call sa isang episode ng “It’s Showtime.”
“Present ba ang mga host natin?” tanong ni Vice.
“Absent ‘yung dalawa si MC at Lassy wala,” sagot ni Teddy Corpuz.
“Hayaan n’yo na ‘yun hindi na sila ulit makikita dito ever,” hirit naman ni Vice.
Nang matawang magtanong si Vhong Navarro ng “Bakit?” pabirong sagot ng Unkabogable Star, “Mas busy pa sila kay Anne Curtis. Dagdag isipin pa sa attendance!”
Matatandaang minsan nang nawala sa programa sina MC at Lassy bago sila muling bumalik noong August 2025.

Share.