Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) nitong Biyernes, Setyembre 11, 2026, ang mas mababang singil nila sa kuryente ngayong buwan ng Setyembre.
Ayon sa Meralco, tinatayang nasa P14.7424 ang ibababa nila kilowatt per hour. Paliwanag pa ni Meralco Vice President and Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga, aabot sa P8 ang mababawas sa bill ng mga customer na kumokonsumo ng 200kWh.
Saad pa ng Meralco, ang pagbaba ng kanilang singil ay dulot naman ng mas mababang ancillary service charges na nagmumula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
“This month’s overall rate reduction was mainly due to the decrease in ancillary service charges collected by the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) and lower taxes,” anang Meralco sa kanilang advisory.
Ayon pa sa Meralco, bumaba rin ang ipinapataw na tax sa electric bill bunsod umanong maisaayos ang maintenance shutdown sa Malampaya gas facility.
“This was largely driven by the completion of Malampaya gas facility’s maintenance shutdown that enabled the First Gas/Prime CoreGen plants to fully utilize indigenous natural gas, which is exempt from value-added tax (VAT),” saad ng Meralco.
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR

