Mistulang prinsesa si Janine Gutierrez sa ginawa ni Jericho Rosales nang makuhanan silang magkasama sa isang maulang kalsada sa Los Angeles, California.
Naka-gown at high heels ang aktres habang formal suit naman ang suot ng aktor nang bumaba sila sa kanilang sasakyan.
Dahil basa at madulas ang daan, hindi na hinayaang maglakad ni Jericho si Janine.
Binuhat mismo ni Jericho ang kanyang girlfriend at dinala ito sa mas tuyong bahagi ng kalsada, para na rin hindi mabasa at madumihan ang suot nitong sapatos.
Isang netizen ang nakakuha ng video ng sweet gesture ng aktor at ibinahagi ito sa Instagram.
“Coz it’s raining in Manila, pati dito sa Hollywood,” caption nito sa video.
Hindi naman pinalampas ng EchoNine fans ang nakakakilig na eksena at pinuri si Jericho sa pagiging maalaga kay Janine.
Nagkomento rin mismo si Janine sa nasabing post at pabirong sinabi, “Akala ko tatalon kami patawid eh.”
Samantala, may reaksyon din si Benjamin Alves sa ginawa ni Jericho.
“I knew Echo would do the right thing,” sey niya.
====
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol

