Magmamahal ang singil sa tubig ng Maynilad Water Services at Manila Water Company simula Oktubre 1.
Ito’y matapos aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Board of Trustees ang bagong foreign currency adjustment.
May mga binabayarang foreign currency loans ang mga concessionaires at ang koleksyon nila ay nasa Philippine peso Ang FCDA ang quarterly adjustment na sasagot sa paggalaw sa palitan ng piso laban sa dolyar, yen, o euro para hindi malugi ang concessionaires dahil wala naman silang kinikitang foreign currency.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Lester Ty, ang foreign currency differential adjustment o FCDA ay magdadagdag ng hanggang P5.19 kada buwan sa Maynilad at hanggang P1.53 sa Manila Water, depende sa konsumo.
Sa Maynilad, ang gumagamit ng hanggang 10 cubic meters kada buwan ay magbabayad ng P187.67, dagdag na 67 sentimos. Ang 20 cubic meters ay magiging P705.60, dagdag na P2.54, habang ang 30 cubic meters ay aabot sa P1,441.67, o P5.19 na mas mataas.
Tataas din ang all-in rate ng Maynilad sa P67.83 kada cubic meter mula P67.58 para sa walang sewerage service at sa P78.68 mula P78.43 para sa may sewerage.
Mas maliit ang dagdag sa Manila Water.
Ang gumagamit ng hanggang 10 cubic meters ay magbabayad ng P284.19, dagdag na 34 sentimos. Ang 20 cubic meters ay magiging P628.58, dagdag na 75 sentimos, habang ang 30 cubic meters ay aabot sa P1,281.62, o P1.53 na mas mataas.
Aakyat din ang all-in rate ng Manila Water sa P68.09 mula P68.02 para sa walang sewerage service at sa P85.18 mula P85.10 para sa may sewerage.
Hindi gagalaw ang basic charge na P52.86 kada cubic meter sa Maynilad at P50.70 sa Manila Water.
Hindi rin maaapektuhan ang enhanced lifeline customers ng dalawang concessionaires.
====
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol

