Nasawi ang isang motorcycle rider nang may madaanang bato, mawalan ng kontrol at sumalpok sa center island sa Bacolod City.
Sa report, lumabas sa imbestigasyon at sa salaysay ng mga saksi na matulin ang takbo ng motorsiklo.
Kalaunan, may madaanan itong bato sa Barangay Pahanocoy kaya siya nawalan ng kontrol at sumalpok sa center island.
Tumilapon ang rider at natanggal ang suot niyang helmet.
Isinugod angbiktima sa ospital nguni’t binawian din ng buhay dahil sa matinding sugat na tinamo sa ulo.

Share.