Nauwi sa suntukan ang pagbusina umano ng isang van sa isang siklistang nasa paahon na bike lane sa Antipolo, Rizal dahil wala sa linya. Ang driver at may-ari ng van, pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO).
Sa video, makikita ang biker na nagpakawala ng mga sipa at suntok sa tatlong lalaking bumaba mula sa van.
May kakataon naman na natumba ang siklista matapos siyang makuyog at tamaan pa ng ibinato sa kaniya ng kaniyang mga kalaban.
Ayon sa kumuha ng video na si April Escobar, binusinahan ng utility van na sinasakyan ng tatlong lalaki, ang siklista, na napag-alaman na isang sundalo at MMA instructor.
Tumigil ang van at siklista para mag-usap pero humantong sa suntukan.
Sinabi pa ni Escobor na pawang mainit ang ulo ng mga sangkot sa insidente.
“Pagharap ko, alam ko naman yung instinct na maibigay nila so kailangan i-protect ko ang sarili ko. So inunahan ko na pero ‘di siya una na malakas, parang friendly kicks lang siya. Ayun doon nag-umpisa,” ayon sa siklista.
“Ang reklamo sa akin is dahil bike lane, nasa gilid ako. Medyo naano yung manibela ko siyempre paahon, medyo gumewang nang kaunti, tapos nagbusina, tumigil ako,” patuloy niya.
Sa huli, nagka-aregluhan naman daw ang dalawang panig sa harap ng mga pulis.
Sa kabila nito, naglabas ng show cause order ang LTO laban sa driver at may-ari ng van. Suspendido rin ng 90 araw ang lisensiya ng driver ng van.
“Parati kong pinapaalala na bawal yung road rage. Tapos bababa ng sasakyan, makikipag-away, makikipag-bugbugan. Inisyuhan namin ng show cause order kasi allegedly ang report sa amin na bumaba sila at may dalang pamalo at ginigipit yung naka-bisikleta at lumaban ang naka-bisikleta,” ayon kay Asec. Markus Lacanilao ng LTO.
Sinubukan naman hanapin ang mga sakay ng van pero bigo silang mahanap, ayon sa ulat.
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol

