Inilabas ng Malacañang ang listahan ng mga regular holiday, special non-working day at special working day na ipatutupad sa buong bansa sa 2027.
Narito ang mga nakasaad sa proklamasyon:
Regular Holidays
New Year’s Day – Enero 1, Biyernes
Maundy Thursday – Marso 25
Good Friday – Marso 26
Araw ng Kagitingan – Abril 9, Biyernes
Labor Day – Mayo 1, Sabado
Independence Day – Hunyo 12, Sabado
National Heroes Day – Agosto 30, Lunes
Bonifacio Day – Nobyembre 30, Martes
Christmas Day – Disyembre 25, Sabado
Rizal Day – Disyembre 30, Huwebes
Special (Non-Working) Days
Ninoy Aquino Day – Agosto 21, Sabado
All Saints’ Day – Nobyembre 1, Lunes
Feast of the Immaculate Conception of Mary – Disyembre 8, Miyerkules
Last Day of the Year – Disyembre 31, Biyernes
Special (Working) Day
EDSA People Power Revolution Anniversary – Pebrero 25, Huwebes
Additional Special (Non-Working) Days
Chinese New Year – Pebrero 6, Sabado
Black Saturday – Marso 27
All Souls’ Day – Nobyembre 2, Martes
Christmas Eve – Disyembre 24, Biyernes
Hiwalay pang karaniwang ipinoproklama ang mga petsa ng Eid’l Fitr at Eid’l Adha matapos matukoy ang eksaktong petsa batay sa Islamic o lunar calendar. Sa mga naunang national holiday proclamations, inaatasan ang National Commission on Muslim Filipinos na magrekomenda ng aktuwal na petsa ng dalawang Islamic holidays.
Kapansin-pansin din na ilang holiday sa 2027 ang tatapat sa weekend, kabilang ang Labor Day, Independence Day, Ninoy Aquino Day at Christmas Day na pawang Sabado.
====
Trending
- Ateneo, hopya na walang manggulo sa mga laro nila sa UAAP
- PH boxers tuldukan ang 16-tagtuyot ng medalya sa Asian Games
- Alex, ipinasilip na ang newborn baby!
- Kim, 3 buwan na raw buntis!
- Bimby, tinanggal sa EB?
- Gasoline boy patay sa pamamaril
- 16 pulis sugatan sa tensyon sa BGC rally
- Hakbang para sa epekto ng El Nino, climate change paiigtingin

