Hindi umano malayong aksiyonan ng House Committee on Ethics and Privileges ang walang paliwanag na patuloy na pag-absent ni Batangas Rep. Leandro Leviste.

Ito ang nabatid sa isa sa mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na si Deputy Speaker Paolo Ortega V ukol kay Leviste na mahigit isang buwan nang hindi pumapasok sa kanyang trabaho.

“‘Pag walang paliwanag ‘yung patuloy na absent, malamang, hindi imposible na magkaroon ng action or recommendation niyan,” pahayag ni Ortega.

Unang sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na umalis ng bansa si Leviste at kanyang inang si Sen. Loren Legarda noong Agosto 2, 2026 at sa huling monitoring umano ng ahensya ay naispatan ang mambabatas sa Germany na sumakay ng Uber.

Wala pa ring inilalabas na impormasyon ang Kamara kung nabigyan ang ng travel authority ang mambabatas.

“Kailangan may explanation yung pag-absent nila. Kung walang paalam at explanation, dun po papasok yung sa ethics,” ani Ortega.

Si Leviste kasama si dating Congressman Jing Paras at iba pa, ay nakatakda umanong kasuhan ng NBI ng qualified human trafficking kaugnay ng ‘honey trap’ plot umano laban kay Executive Secretary Ralph Recto.

Bukod dito, nahaharap din sa plunder case umano si Leviste at ina nito ukol sa isyu sa Solar Philippines.
====

Share.