Ayaw tigilan ng isyung buntis si Kim Chiu.
Muling uminit ang isyung buntis si Kim dahil sa isang episode ng “It’s Showtime” kung saan mukha raw malaki na ang tiyan nito.
Nakasuot si Kim ng coat at may suot pang sling bag pero sa mga anggulo ng kamera at batay sa naglabasang mga litrato ay halata raw ang umbok ng tiyan nito.
Halata rin daw sa mga kilos ni Kim na ingat na ingat ito at hindi masyadong humahataw sa pagsasayaw.
Nauna rito, July pa lamang ay iniintriga nang buntis si Kim at buwan naman ng Agosto ay nagpatutsada pa ito ng linyahang “It’s a girl!” kaya pansamantalang nanahimik ang isyu.
Pero nitong Setyembre, uminit na naman ang buntis issue kay Kim at mukhang mga followers pa niya ang nagkokomento sa kanyang social media post.
Sey ng mga faney:
“Baby Girl 👧 yarn! You’re getting more beautiful as your tummy grows bigger!!! Take care Kimmy, please don’t wear heels anymore, for you and baby’s safety!”
“Preggy much .. manas n un face.”
“Kim we will be happy kong ma e reveal dahil the more you keep sa bata ang epekto. mabagal ang development ng bata hahaha.”
“That belly is clearly bulging… Still denying it.”
“Happy ako kung true na preggy si Kimmy.”
“Bb girl is really beautiful when she’s pregnant.”
Wala pang opisyal na pagtanggi o pag-amin si Kim.
======
Trending
- Thai fans kinuwestiyon PVL awards matapos magkampeon ang EST Cola
- Gilas Pilipinas durog sa Bahrain sa 2026 Asian Games campaign opener
- Maricel Soriano mabait kahit mataray
- Lotlot de Leon bilib sa pag-aalaga ni Jericho Rosales kay Janine
- Vilma Santos ‘di pinalad maging National Artist
- Protesta sa harap ng DOLE, nauwi sa komosyon
- 2 Pulis, 3 pa arestado sa kotong sa mga aplikante ng PNP
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre

