Natagpuang patay ang 61-anyos na retiradong guro na nakalutang nang nakadapa sa dagat sa Barangay Mina-anod, Llorente, Eastern Samar noong Lunes.
Ayon sa pulisya, isang mangingisda ang nakakita sa biktima at nagbigay-alam sa mga awtoridad. Agad na rumesponde ang Llorente police at MDRRMO at dinala ang biktima sa Llorente Medical Hospital (Medicare), kung saan siya idineklarang patay.
Sa paunang imbestigasyon, nakita umano ang biktima 3:00 ng madaling araw na dumating sa Barangay So-ong sakay ng maliit na bangka habang may mga pasahero. Matapos ihatid ang mga ito, umalis siyang mag-isa sakay ng bangka at iyon na ang huling pagkakakita sa kanya nang buhay.
Kinilala ng pamilya ang katawan. Wala namang nakitang malinaw na sugat o senyales ng foul play sa unang pagsusuri. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang tunay na sanhi at pangyayari sa pagkamatay.
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol

