Detenido ngayon ang isang pulis na nakatalaga sa Villanueva Municipal Police Station nang masangkot sa kaso ng panggagahasa sa isang menor de edad sa isang sementeryo.
Kinumpirma ng Villanueva Municipal Police Station na nasa kanilang kustodiya ang nasabing police personnel habang isinasagawa ang imbestigasyon kaugnay ng reklamo.
Hindi muna nagbigay ng karagdagang detalye ang himpilan at humiling na hintayin ang kanilang susunod na opisyal na pahayag hinggil sa insidente.
Samantala, kinumpirma rin ng Police Regional Office-10 na inatasan ni PBGen Nestor Babagay Jr. ang kaukulang pagproseso at paghahanda ng mga kasong maaaring isampa laban sa nasabing pulis.
Binigyang-diin ng pamunuan ng PRO-10 na walang puwang ang anumang maling gawain sa hanay ng kapulisan at hindi umano nito kukunsintihin ang sinumang mapatunayang lumabag sa batas.
Ayon sa mga impormasyong nakalap, ang pulis ay isa rin umanong vlogger at madalas nagpo-post online tungkol sa mga kaganapan sa kanilang area of responsibility.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Hindi muna inilalabas ang pagkakakilanlan ng menor de edad bilang pagtalima sa mga batas na nagpoprotekta sa mga batang sangkot sa mga kasong sekswal.
Tandaan, alegasyon pa lamang ang ibinibintang sa pulis at mananatili siyang inosente hangga’t hindi napapatunayang nagkasala sa korte.
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol

