Upang masiguro ang patuloy na gamutan hanggang sa gumaling, naglaan ang gobyerno ng P3.75 bilyon para sa 25,000 cancer patients sa ilalim ng Cancer Assistance Fund (CAF) sa panukalang 2027 national budget.
Ayon kay Budget Secretary Kim Robert de Leon, ang panukalang budget para sa mga pasyenteng may cancer ay mas mataas ng 150 percent mula sa kasalukuyang budget na P1.50 bilyon na nakapaloob sa 2026 national budget upang mapagaan ang pasanin sa gastusin sa pagpapagamot ng mga pasyenteng may cancer.
Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng CAF ng tulong pinansiyal ng hanggang P150,000 ang 25,000 cancer patients na naka-enroll sa 36 na cancer care access sites ng Department of Health at LGU operated hospitals sa buong bansa.
Sinabi ni Secretary de Leon na ang cancer ay hindi lang seryosong sakit kundi isa sa pinakamabigat na pasanin sa gastos ng pamilyang Pilipino lalo na kung pangmatagalan ang gamutan, kasama na ang diagnostic procedures, pagpapaospital at patuloy na pag-aalaga.
Sa ilalim ng programa, susuportahan ng Cancer Assistance Fund ang diagnosis at pagpapagamot ng mga pasyenteng nakakaranas ng breast cancer, lung cancer, colorectal at liver cancer.
Mayroong 36 na cancer care access sites sa buong bansa, 23 ay nasa Luzon, lima sa Visayas at walo sa Mindanao na nangangasiwa ng screening, diagnosis, gamot at patuloy na pangangalaga.
======
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol

