Itinulak ni 4Ps party-list Rep. JC Abalos na bigyan ng buwanang cash aid ang mga kasambahay, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging ang mga nagtatrabho sa ibang bansa para maibsan ang kanilang pangungulila at pinansyal na pangangailangan.
Sa House Bill (HB) 11117 o “Kasambahay Parents Support Act” nais ni Abalos na bigyan P1,000 cash aid kada buwan ang mga Kasambahayan o kabuuang P12, 000 kada taon, nagtatrabaho man ang mga ito sa Pilipino o ibang bansa.
Ayon sa mambabatas, bibigyan ng dalawang opsyon ang mga kasambahay kung ang financial aid na ito ay nais nilang makuha ng cash o gamitin nila ito bilang karagdagang kontribusyon sa
Social Security System (SSS).
Target ng panukalang ito na tulungan ang ksasambahay na may tatlong anak na nag-aaral mula Day Care hanggang Senior High School at hindi bababa sa 85% ang kanilang attendance sa eskuwelahan.
Sinabi ng mambabatas na sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippines Statistics Authority (PSA), halos 1.5 milyong Pilipino ang nagtatrabaho bilang kasambahay sa buong bansa at karamihan sa kanila ay ‘nasa ‘live-out arrangement’.
“Ibig sabihin nito, ang ilan sa kanila ay may mga anak na iniiwan nila araw-araw para asikasuhin ang pamilya ng ibang tao, at alam nating napakahirap na sitwasyon ito para sa bawat ina o ama na dumadanas ng ganito”, ani Abalos.
Lalong kailangan aniya ang buwanang financial aid na ito dahil lumabas din sa datos ng DOLE at PSA na 83% sa mga kasambahay ay walang social security coverage.
“Hindi na nga nila naaalagaan ang kanilang sariling pamilya, wala pa silang katiyakan na may maaasahan silang karagdagang tulong kung sakali man na sa hinaharap, sila ay magkasakit nang malubha, mabawasan ang kakayahan na magtrabaho dahil sa kapansanan, o sa kanilang pagtanda,” ayon pa kay Abalos.
Nilinaw ng mambabatas na hindi kasama sa financial aid na ito ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
====