Nasawi ang dalawang katao at apat ang sugatan nang tumaob ang isang bangkang may sakay na walong katao at tatlong motorsiklo sa Cagayan River sa Barangay Paitan, Nueva Vizcaya.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente noong Miyerkules, Setyembre 2, at malalakas na hangin at alon ang posibleng dahilan ng pagtaob.

Narekober ang mga bangkay ng dalawang biktima, habang dinala sa ospital ang apat na sugatan.

Napag-alamang walang suot na life vest ang mga sakay nang mangyari ang insidente at mataas na rin ang tubig sa ilog at maaari pa itong tumaas dahil sa mga pag-ulan.

Dahil dito, hinimok ng pulisya ang mga residente na iwasang tumawid gamit ang bangka kapag masama ang panahon at gumamit na lamang ng mas ligtas na alternatibong ruta kahit mas matagal ang biyahe.

 

===

Share.