Nakakita ng pagkakataon ang ilang residente ng San Simon, Pampanga para maibsan ang gutom ng mga mga biyahero sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa pagbaha noong Lunes ng gabi, Agosto 31.

Sa isang Facebook post ni Janice Edjan noong Martes, Setyembre 1, mapapanood ang eksena ng pagbili ng pagkain ng mga kasamahan nilang biyahero sa NLEX.

Nakapwesto ang naturang tindahan sa rooftop at iniaabot ng nangangasiwa nito ang mga binili ng biyahero sa pamamagitan ng pole. 

“Para paraan para hindi magutoman ganap ngaun sa NLEX Pampanga,” saad ni Janice sa caption.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang video.

Ayon kay Janice, halos 12 oras umanong tumagal ang traffic sa NLEX kaya naman inabot ng gutom ang lahat ng pasahero.

Share.