Sorpresa ang naging rebelasyon ng VMX star at “Pinay Kamasutra 3” lead star na si Julianne Richards bago siya nagpa-sexy sa kanyang mga pelikula.
Sa ginanap na back-to-back mediacon ng kanyang nasabing movie at ng “POV” kaninang hapon, naikuwento nitong naging back-up dancer siya kina Ogie Alcasid at Inigo Pascual sa magkahiwalay na concert ng dalawa sa Australia.
Ipinanganak at pinalaki si Julianne sa Australia kung saan siya nag-aral at naging dancer ng mga local shows at sa mga Pinoy talents mula sa Pilipinas.
Kuwento ni Julienne, bata pa siya mahilig na siyang sumayaw. Katunayan, natuto siyang umindak sa kanta ng Sexbomb Dancers na “Spaghetti”.
Pagbabalik-tanaw niya, mabait raw sina Ogie at Iñigo na parang hindi mga big star.
Pag nagkaroon siya ng pagkakataon makita ng personal sina Ogie at Inigo, ikukuwento niya ang pagiging backup niya noon sa kanila.
Ang husay sa pagsayaw ang mapapanood kay Julianne sa “Pinay Kamasutra”, at siya rin ang host ng movie na ito.
Pinagsama-samang mga maiinit na eksena ng mga VMX talents mula sa mga pelikula ang mapapanood dito.
Pangarap raw talaga ni Julianne na mag-artista kaya kahit sexy ay tinanggap niya.
Walong pelikula na ang natapos ni Julienne sa VMX. Tinanggal nya ang ilan sa kanyang mga restrictions para ibigay ang kakayahan niya sa acting.

