Kakaiba talaga ang karisma ng VMX Queen na si Angeli Khang nang makasungkit ito ng malaking halaga sa kanyang show sa Viva Cafe kamakailan lang.
Sa tsikahan namin ng vlogger na si James Miguel habang nasa gitna ng back-to-back mediacon na ginanap sa Viva Cafe para sa pelikulang “Pinay Kamasutra 3” at “POV”, naibida niyang nanonood siya ng show ng VMX ladies sa parehong venue.
Ibinahagi niyang kumubra ng P30,000 si Angeli Khang sa show nito para lang sa isang T-shirt.
Nagkaroon ng auction o bidding sa show para sa kanyang jersey T-shirt na isinuot nito sa event. Nagsimula sa 1,500 ang bidding hanggang sa umabot sa P20K, P25K at ang pinaka-ultimatum ay P30K.
Isang hindi nakilala at mukhang businessman ang nanalo sa bidding. Pero ayon kay James, hindi raw ito ang umakyat para i-claim ang jersey kundi ang kasama nito.
Posibleng isang avid fan ni Angeli ang nagwaldas ng salapi para sa T-shirt, kaya naman hindi nito pinalampas ang pagkakataong makuha ang damit na isinuot nga sexy actress, na maaaring pinagpawisan pa mula sa kanyang dance number.
Siyempre, naiwan pa sa nasabing t-shirt ang amoy at bango ng katawan ng VMX undisputed queen kaya sinigurado nitong walang makakakuha ng t-shirt kundi siya lang.
Samantala, isang VMX girl na nag-perform rin sa event ang nagpa-bidding rin ng kanyang panty.
Umabot lang ito sa halagang 2,500 thousand pesos.
===

