Paulo Avelino may nami-miss na ‘malapit nang makapiling’?
May pasabog na naman si Paulo Avelino sa kanyang Instagram na agad pinagkaguluhan ng mga faney at nagbigay-daan sa samu’t saring hula.
Sa kanyang bagong reel, makikitang may yakap na picture frame ang aktor habang may misteryosong mensahe tungkol sa isang taong tila matagal na niyang hinihintay.
“Miss na miss na kita. Kailan kaya kita makakapiling ulit? Nararamdaman ko, malapit na. #September1,” saad ni Paulo sa post.
Dahil sa sweet at tila may pinapatunguhan na mensahe, agad namang nagkaroon ng sariling imbestigasyon ang mga faney kung sino ang tinutukoy ng aktor.
Isa sa mga unang napag-isipang nami-miss ni Paulo ay si Kim Chiu, lalo’t napansin ng mga netizen na ni-like mismo ng aktres ang naturang reel.
Pero hindi naman lahat ay naniniwalang tungkol sa isang tao ang cryptic post ni Paulo.
May ilang naghinalang bahagi ito ng isang bagong endorsement o project na nakatakdang i-reveal sa Setyembre 1.
Kaya naman abang-abang ngayon ang mga faney ni Paulo sa nasabing petsa para malaman kung sino o ano nga ba ang tinutukoy niyang “miss na miss” at “malapit nang makapiling ulit.”

