Patay ang 45-anyos na tricycle driver nang mabagsakan ng malaking puno ng acacia habang natutulog sa kanyang sasakyan sa Sta. Maria, Ilocos Sur.
Nangyari ang insidente 3:00 ng hapon noong Agosto 24 sa Innanus TODA Parking Area sa Dakota Street, Barangay Poblacion Sur.
Ayon kay Police Lt. Jenson Refuerzo, officer-in-charge ng Sta. Maria Municipal Police Station, napansin ng ilang tricycle driver na unti-unting bumabagsak ang puno kaya sinigawan nila ang mga tao sa lugar na lumayo.
Hindi umano narinig ng biktima ang babala dahil natutulog ito sa loob ng kanyang tricycle.
Bumagsak ang buong puno sa sasakyan at nagtamo ang biktima ng matinding traumatic injuries na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Isa pang tricycle ang nasira sa insidente.
Rumesponde sa lugar ang pulisya kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection at municipal engineering office.
Tinitingnan ng mga awtoridad ang posibilidad na lumambot ang lupa dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan kaya nabunot ang puno. Ayon kay Refuerzo, hindi naman malakas ang hangin nang mangyari ang insidente.
Tinatayang nasa 70 hanggang 80 taon na rin umano ang naturang puno ng acacia, isa pang salik na sinusuri kaugnay ng pagbagsak nito.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan

