Hindi binigo ng Pinoy Rap Icon ang kanyang mga producer sa nakaraan niyang show sa Arizona kung saan, maliban sa full packed ang venue ng kanyang pinagtanghalan at nag-enjoy rin ang lahat ng kanyang mga nanood.
Dahil dito, nagpasalamat ang M&A Productions kay Andrew E. at sa kanyang misis na si Mylene Yap Espiritu.
Bukod sa pasasalamat, nag-regalo pa ng Hermes brand ang kanilang producer sa sobrang saya nito.
Nakaposte sa IG ni Mylene ang dalawang Hermes na para sa una at kay Andrew E.
Hindi nga lang ipinakita ni Mylene ang laman ng Hermes paper bag para makaiwas sa pamba-bash sa kanilang mga haters.
Kalakip ng regalo ay card mula sa nabanggit na producers na nagngangalang Marc at Alma.
Nakasulat ang appreciation ng producer at sinabi rin nitong “This is the Best Show of me and Marc’s lifetime.”
Sinabi pa ng produ na umaasa silang mag-asawa na muli nilang makatrabaho uli si Andrew E.
Nilagyan pa ng salitang “Please” na walang dudang nasulit ang ginastos ng produ sa box office result ng concert at sa kabuuang performance ng legendary rapper.
Nagpasalamat naman si Mylene sa kanilang producer sa appreciation nito sa kanilang team.
Kasalukuyang nasa San Francisco ngayon ang buong team para sa susunod nilang concert sa San Leandro California.
=====
Trending
- Mindoro vs Carlos Ocampo sa Sabado Agosto 29
- PH tankers nagbulsa ng 2 bronzes sa pagtiklop ng 4th SEA Open Water meet
- ‘The best show’: Andrew E. niregaluhan ng Hermes ng concert producers sa Arizona
- Rey Pumaloy kamukha ng bebot sa ‘Miss Q and A’ ayon kay Vice Ganda!
- Vice Ganda tinapos na ang 6 taong pahinga, may pasabog sa Setyembre
- Pinay caregiver pauwi na ng Pinas, patay sa karambola sa Taiwan
- Brgy. chairman tinodas sa tindahan
- Pag-aaspalto sa EDSA, nagdulot ng mabigat na traffic; Kontraktor, pagmumultahin

