Arestado sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan ang apat na wanted persons na kapwa sangkot sa iba’t-ibang kaso.

Base sa report na tinanggap ni PNP Regional Director-lll, PBGEN Jess Mendez  unang nadakip si alyas Julian 58 na sangkot sa 2 kaso ng paglabag sa section 5(B) ng RA 7610 sa bayan ng Balagtas na may cc.no 3063-64- M- 2023, at alyas Tikboy, 29-anyos,

ng  Sitio Complex, Brgy. Sto. Cristo, City of San Jose del Monte.

Dinakip si Tikboy via Warrant of Arrest sa kasong Less Serious Physical Injuries sa ilalim ng Article 265 ng Revised Penal Code, docketed under Criminal Case No. 2019-SJ-0312, na inisyu ni Hon. Ryan Philipp Liao Bartolome, Presiding Judge ng Municipal Trial Court in Cities Branch 1, City of San Jose del Monte, Bulacan, noong Abril 18, 2022, para sa Service of Sentence.

Habang aestado rin si alyas Koby, 23-anyos, sa Brgy. Malis Guiguinto na sangkot sa kasong Robbery in an Inhabited House or Public Building.

Samantala, nasukol naman sa Brgy, Bancal sa lungsod ng Meycauayan sa via warrant of arrest si alyas Tirso, 72-anyos,sa tatlong kaso ng paglabag sa Batas Pambansa Blg.22 o (BP.22) sa ilalim ng Criminal Case Nos. 94-15931, 94-15932, at 94-15938, na inisyu ni Hon. Jose V Covarubias-lll, Presiding Judge ng Municipal Trial Court Branch 1, Meycauayan City.

Kaugnay nito-y detenido ngayon ang mga suspek sa kani-kanilang police station para sa kaukulang dokumentasyon.

Share.