Tuluyan nang natapos ang iringan ni Atty. Ferdinand Topacio at ng showbiz insider na si Ogie Diaz.
Sa isang Facebook post nitong Agosto 21, ibinahagi ni Topacio ang mga larawan nila ni Diaz na nagbeso at nagyakapan sa isang event.
Sa caption, inanunsiyo ni Topacio ang kanila raw pagkakasundo.
“Bati na po kami ni Ogie Diaz. Mwa mwa chup chup! Oh say niyo? Sweet diba?” ani Topacio.
Wala pang reaksiyon si Diaz hinggil dito.
Matatandaang nagpalitan ng banat sina Topacio at Diaz kaugnay sa isyu nina Anne Curtis at Congressman Bong Suntay.
====

Share.