Nasawi ang apat katao, kabilang ang isang batanang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay 107 sa Pasay City nitong Biyernes ng hapon.
Ayon sa ulat, sumiklab ang sunog 1:00 ng hapon at mabilis na kumalat sa mga kabahayan na gawa sa light materials, at umabot sa katabing barangay na 106.
Nang maapula ang sunog 4:00 ng hapon, at nakuha ang dalawang bangkay na magkayakap at hinihinalang ang 3-taong-gulang na bata ang isa.
Ayon sa mga residente, sumabog na tangke ang pinaniniwalaang pinagmulan ng apoy.
Naging pahirapan umano ang pagkuha ng mga bumbero sa mga katawan ng biktima dahil gumuho ang ikalawang palapag ng isang bahay.
Dahil dito, kinailangan ng mga bumbero na maghukay at alamin kung saan huling nakita ang mga biktima.
Batay sa mga paunang impormasyon, bukod sa bata, kabilang sa mga nawawala ang mag-asawang senior citizen, at isa pang adult na babae.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan ng apoy at tinatayang nasa 20 pamilya ang apektado sa sunog.
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM

